Sunday, 25 April 2010

Exporting the Image...Typical ba tong ganito?


Sa wakas nakabisita uli sa Keukenhof! Natiyempo naman maganda din
ang panahon ng weekend nato sa NL, kaya sabi ko, sige na nga will
visit the place kahit solo flight na lang...no friends...hubby ay out
of question na sumama kasi sa tingin ko lang ay aabutin to ng inis
kung ang daming tao at puro tulips lang ang habol ko para, of course,
mapost sa bagong hobby na social working sa Face Book.
Ticket per person is 14Euro. More info, please click on this
Keukenhof

If you could avoid it, don't visit on weekends as the place could really
get so crowded you would hardly have time to meditate on the beauty
of each tulip and there are thousands and thousands of them in
this haven of spring flowers.

Well, kasi nga visiting Holland lang for a few days kaya napilitan
din pumunta ng weekend at sa tutuo lang, akala ko hindi na puedeng
makapasok ang bus na sinasakyan ko sa traffic at sa daming bus
na nakaparada sa parking space.
Tong taon na to, ang thema ay "From Russia with Love" at ang pinaka-
malaking attraction ay yun mosaic of colorful flowers of Saint Basil's
Cathedral. And of course, sang katutak din na mga Russian speaking
visitors ang nakasama ko sa walang katapusang paggala sa Keukenhof.
Pero walang sinabi ang mga to sa saya at ingay ng isang wika na
malayo pa ay alam ko nang taga atin. Malayo pa rin ay alam ko nang
galing sa bansa ko...isang grupo ng mga mahihilig sa boots na nga
Asian women at nagsasabing "o picture, picture tayo" masaya,
maingay pero duon pa nagpakuha ng mga group photos na kung saan
nakalagay "Please don't step on the grass". Nang makita sila ng
garden guard at sinabihan na umalis sila...lalo nang nagingay.
Minsa parang mga bata sa saya pero sobrang ingay hindi na yata
nakakatuwang tignan. Gusto mo agad lumayo pang ganitong tipo ng
mga visitors ang makakasama mo.
Nang mapaalis ang grupo ng mga maiingay na pinay, may sumunod
naman uli para magphoto session duon sa bawal na lugar. Napansin
sila din ng isang babaeng "garden guard" at sinabihan "please don't
step on the grass."
Sa inis ko tuloy, nasabihan ko ang grupong to...ano ba naman kayo,
nakasulat dyan na don't walk on the grass, tuloy pa din kayo...
nakakahiya kayo! Sagot agad nuong isang Pinay na nahuli...hindi
daw sila yung grupong yun! Ang ibig siguro niyang sabihin, hindi
sila yun isang grupong napasin at pinaalis. Bagong dating lang
sila, bagong di pagsunod sa park regulation. Saan ba kayo galing
sa atin mga Ineng?
Aywan ko ba mukhang tong Linggo to ay araw ng bi-national
relationships at maraming mga Asian women ay kasamang
namamasyal ang kanilang mga European partners. May isang Asian
na babae na kasama yata yun kaniyang puting photographer at siya
ay laging nakapose kadikit ang mga tulips.
Tiyak ipakikita sa kanila ang ganda ng Europa at tiyak na
may magsasabing "Ay ang sarap naman niya...ang swerte naman"
at tiyak dadami uli ang mga bisitang Pinay sa Keukenhof...
siguro dapat sa susunod ang regulation ay sa wikang Pin@y na...
susunod kaya tayo?

1 comment:

Anonymous said...

wow!Tita Bee is alive & well still from ye-ears ago!
regards,
mynx hunter