Tuesday, 29 May 2007
Fiesta at Santacruzan sa Isang Parte sa Alemanya
Kommentarya! Masaya as usual pero sana kaunting decoration naman
para ipakita yun magagandang bagay mula sa atin at hindi lang
kaldero at plastic na lalagyan ng mga suman, puto at dinuguan.
At please, huwag naman Barong Tagalog with denims as pants or
kahit na denims, itim na parang pormal wear naman!
May kaunting ambiente naman at hindi lang parang karinderia
atmosphere.
At saka, nasaan yun mga bulaklak? Pati ba naman yun nawawala
na rin at papalitan ng Maria cut out of hard cartons? Sana man
lang nilagyan ng kaunting decorasyon. Parang basta na lang ba
nagawa, tapos.
Mahalaga yun may pagkakataon kumita yun mga associations, pero
mahalaga din naman na may presentation, di ba. Hindi lang basta
nakalagay ang panindang pagkain, benta, luto tapos pack-up for
the next opportunity of selling. Hay kulturang maski pops...
mukhang yata talagang mabigat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment