Thursday 7 December 2006

Another of those Christmas Parties

Disyembre na naman, excited na naman ba kayo sa mga kakanin at dancing sa mga nakascheduled na parties na halos linggo linggo ay meron yata sa lahat ng sulok ng mundo kung saan naanduon ang mga Noypis at Naypis, OFWs, migrante kasama na pati yun mga ooops ayaw nating gamitin pero hindi naman natin gustong manginsulto...tnts...mukhang natanggap na rin natin ang term na ito kasi nga puro humour naman tayo daw mga Filipina at Filipina.
Pero ano nga bang klaseng katuwaan ang alam natin? Ang akala ko ay bihira lang yung mga Pinoy christmas party na parang nasa palengke...may atungalan pa ng mga bata, may tumatakbo habang may performance sa stage, lagi tayong may stage kahit na isang kahon lang ang lugal ng party. Pero mukhang eto ang standard kahit pa 5star hotel ang venue.
Minsa may nakita pa ako, panay ang saway ng isang moderator habang kumakanta yun isang bisita, sinasaway niya yun mga ibang kababaihan na nanduon sa mga lamesa na parang may sarileng christmas program sila...
Hay Ginoo, eto na yun mga classical natin...modern dance ng mga babae na nakamini at bihis Santa Claus sila...sayaw dito, indak duon sa American jingles at dreaming of a white christmas e miski naman sa Europa wala na rin White Christmas...pati si Santa Claus nagrereklamo na sobra init daw ang kustume niya.
Indak dito, sayaw duon, Hoy please naman huwag kayong maingay dyan...makinig na man kayo
Saan kaya nanggaling itong ugali natin na hindi tayo marunong makinig, walang respeto...
at kahit ano na lang puede yan, Christmas party parang palengke, walang ambiente, walang cozy candles, basta na lang ang mga lamesa ni plastic cover wala pa. Buffet daw, pero bakit kasi gusto natin ng practical setting kaya pati hayun kaldero iba iba ng sizing...plastic glasses and cups, champion tayo sa dumi pagkatapos ng mga party.
Pero it yun isa sa mga shocking Christmas Party na aking natiyempuhan. Nakavideo pa tayo para sa buong kamunduhan ng video viewing. Isang Dancing Filipina...somewhere daw sa isang Community starting with G pero yun stage nila may nakasabit na Congratulations...Father Greg or what...uulitin ko uli yun video nang makita nang husto. Dapat itong Pinay na pinasayaw nila duon ay tanungin kung alam niyang ivinideo siya at ipinosted pa sa internet. Mukhang lasing siya at walang katapusan splits ang ginawa, nakikita yun kaniyang panty, nagtatawanan kahit na ang mga babae...just for fun...Hallo, may natatandaan ba tayong salita...dignidad ng babae?
And this is what we mean by Filipino Christmas Party?.

No comments: