Party
At kung nasa ano man party yan, Christmas party, gala for the victims of typhoon A to Z, birthday celebration for Father Parinig, Independence Day, Time for Valentine, at ibapa, heto ang ilang items para sa check list ng kaunting Kapinuhan:
a) Ayusin ang mga lamesa para hindi naman ang tagal ng pila ng mga nagugutom na bisita. Para tuloy nasa Pinas ka pa, pila sa passport, pila sa clearance at mga visa. Kaunting At kung nasa ano man party yan, Christmas party, gala for the victims of typhoon A to Z, birthday celebration for Father Parinig, Independence Day, Time for Valentine, at ibapa, heto ang ilang items para sa check list ng kaunting Kapinuhan:
- Huwag punuin ang plato na parang eto na ang Last Supper...nakabarong pa naman si Kuya at si Ate ay nakasatin long gown at old rose pink pa.
- Huwag masyadong magtomaan, hindi sigurado kung sino ang magbabayad ng mga naorder na drinks at baka mamaya ala Pacquiao kayong lahat. At mga kababaihan, huwag umasa duon sa hindi kilalang ka-table para sa yong coke at ubusin pati yun inaalok na alak sa yo.
- Kung Christmas party na pangpamilya, magbobold ka ba? Kung Christmas party na pangbata, ang mga matatanda ay hindi dapat umaarteng parang bata. Mas malakas pa silang sawayin sa kanilang ingay habang tumatakbo ang programa. Hindi katakatakang dala ng mga anak natin ang ganitong asal. Parang nakawala sa kural, sabi ng ni Lola.
- Kung kayo naman ang pasimuno ng mga Christmas at ibang parties, kaunting pag-iisip din at mayroon kayong Plan B...ng may kaunting sensitivity.
ambiente naman, kaunting kandila, roses at cover sa lamesa.
b)At utang na loob, kahit na sabihin ninyo na para walang masyadong trabaho, ipwera
naman ang mga lutuang kaldero sa buffet. Itrato natin ang ating mga sarile na importante
tayo. At pinakagolden rule...huwag magkalat ng basura.
c)Kung may pupunahin kayo sa inyong mga bisita, puede ba huwag gumamit ng
mikropono para ianunsiyo, hoy huwag kayong maingay naman dyan, makinig naman kayo
o padaanin naman ninyo yun hindi pa nakakakain. Kasi nga, hindi naman marunong
makinig ang karamihan sa atin. Sa tutuo lang, dapat siguro sa mga public schools or market idaos ang karamihan sa mga tinatawag na masaya, magulo, maingay na typical party Pilipino.
d)Anong gagawin ninyo sa mga bisitang gustong magpakita at aakyat pa sa stage feeling
niya nasa bar siya at gusto nakavideo pa. Okey lang ba sa atin kasi sumisimba din
siya? Kapatid din natin, bold nga lang o nagrerecruit pa ng mga Pinay para makakuha
ng partner sa Europa?
e)At kung ang sabi ninyo ang kita ay para sa mga proyekto, UNL uli, ipakita ang
ebidensiya (gumamit ng homepage, blogs, emails o circulars) kung talaga saan
napapapunta yun mga kaperahan kahit pa barya barya lang para walang chismissan o
chatting na masama ang mga OFs, Samahan ng mga Spiritista, Hibok Hibok Varsitarian,
Pahulugan Initiatives, NPA sa Europa (No Permanent Address), Knights ni Gabriela,
Tong-its and Bingo Club, Never United Migrantes, mga Kababaihan para sa Panalangin at
Babasahin, Chibog After Prayer Meeting Volunteers, Manangs ni Father Magsisitayo
(let us ask for forgiveness and not let us all stand), etc, etc
f)At kasi kahit na anong magandang balak mo ay marami pa rin dyan maghahanap ng
ibang motibo...siguro nga kasi marami na tayong naririnig at nakikitang umiiral na hindi
ugaling Pilipino o nasanay na lang talaga tayo sa ganitong sistema at sasabihin natin Pinoy
kasi, eh. Suspetsosa, Suspetsoso.
Hanggang sa muli, at kahit ngayon dito sa abroad, kumanta pa rin tayo ng I'm dreamin' of
a White Christmas...kasi mukhang hindi na talaga uso ang snow pag Pasko. Global warming, dumadami ang migrante sa mundo!
Tita Bee
1 comment:
I agree. Pinoy parties sometimes can be totally barbaric. Good tips tita. Keep it up! *Baci*
Post a Comment