Parang kailan lang, sa gitna ng kainitan sa Pilipinas, naririnig ko ang kantang ito sa simula pa lang ng Oktubre o sabi nga sa atin, sa sandaling lumamig ang hangin, eh pasko na. I'm dreamin'of a White Christmas, eto na siguro yun pambansang awit ng Pasko sa Pilipinas at kung kinakanta ko siya nuong ako ay musmos pa hanggang naging dalaga pa nga, ang aking naiisip ay yun mga Christmas cards na padala ng aming mga kamag-anak sa Amerika (na minsa may nakadikit na dollar) at siyempre, yun mga Hollywood films na may falling snow palagi pagdating ng Christmas Eve.
Sa tutuo lang, kung tatanungin ninyo ako, ito ang isa sa mga dahilan o sa tinatawag ngayong push factor bakit die-hard akong makapag-abroad...ang makakita at makahawak ng tunay na snow.
At siyempre, yun the first timne ever I saw snow, eto yun binabalikan mo sa yong mga album, sayang nuon wala pang digital camera at mobile video pero puede naman daw ipaconvert ang mga memories sa CD kaya sa susunod ito ang project ko at ang pamagat ay Forever Young. Uunahan ko sa idea yun mga nagpapaface-lift at kung may kaunting naipon din lang ako (hindi naman palaging nakaremittance tayo, di ba?) baka magparetoke na rin ako, kaya lang saan daw sisimulan ang priorities sabi ng mga ka-Bees. Simulan na kaya yun face lifting habang wala pang masyadong kulubot para hindi naman masyadong magastos. Preventive measure di ba?
Hay, siyanga pala, nasa first now pala ang diskarte ko. Di ba talagang makapigil hininga habang minamasdan mo ang mga lumilipad na mabusilak sa kaputiang yelo...eto na siguro ang isang tamang halimbawa sa salitang busilak. Tanong agad sa kasama...puede bang gawin sa halo-halo to?
Pero kung matagal ka na rin sa abroad at nadanasan mong hindi lang isang beses na madulas sa paglalakad at manginig sa lamig at hapdi ng hanging yelo, minsan naiisip mo rin na mas maromantika yun imahination mo nuong hindi ka pa nakakahawak ng pala para alisin yun snow sa harap ng apartment ninyo kasi hindi naman tutuong masaya yun dashin' through the snow...kasi nga kung may madulas tiyak na demanda ang regalo mo.
Apropos demandahan..sana may batas na puedeng idimanda yun mga grupong nag-oorganisado ng mga Christmas party na parang nasa tilapapa o palengke. Okey, hindi na bale kung nanduon tayo sa ating Barangay Sabungan at Palengke at wala naman siguradong ibang ambiyente, mas maingay at may karaoke, mas sikat yun Christmas party.
Pero kapansin-pansin na yata na masayang magulo (understatement to) tayong mga Pinoy at Pinay sa mga sosyalan, galas at piyestahang ginaganap sa mga community centers at kahit pa sabihin nating hotel na maestrella.
Bato bata sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit...(pakilinaw duon sa mga third generation). Formal attire daw pero hindi naman sinabing come like a Christmas tree na kompleto pa with unmatching earrings at singsing na kulang yun sampung daliri para maidispley ang mga nagkikislapang bato, ginto at silber, pula, berde at azul, parang walking rainbow. Anong paboritong kantiyaw sa atin. Wow mare, naninilaw ka, mukhang may Hepatitis ka na!
Hindi natin tanggap yun sabi nga daw ng mga Aleman, weniger ist mehr...kakaunti pero mas matindi!
At hola, kaunting PINO NAMAN...kaya nga pangalan natin ay PILIPINO...pino naman ng kaunti at dala nating ang pangalan ng ating lahi at bayang pinagmula. (Hay sos, ilang beses na kayang nilalapastangan ng karamihan sa mga nakapwesto sa gobyerno ang naiwang bayan...bakit mo pupunahin ang mga OFs?).
To be continued...

No comments:
Post a Comment