Thursday, 7 December 2006

Ang Kapiling na Laptop


Buzz! Buzz! Sa mga miyenbro ng mga chatting communities, eto na yun signal na hindi ka nag-iisa sa mundong it. Susundan pa ng tanong, busy ka ba? Puedeng chat tayo?
Sa tutuo lang, maraming pagbabago sa buhay ko mula nang humiwalay ako sa aming Mother Computer at ang bagong notebook ang siyang naging halos kasiping. Wala ng "family feud" sabi nga, kung sino ang mauuna sa computer at wala ng tanungan kung hanggang kailan si Irog nakatitig sa monitor. "Mind your own computer," ang bagong regulasyong marital.

Nang maikabit si Wilan, sa tingin ko, lalo nang naging kulay rosas ang aming pagsasama. Eh bakit hindi naman, non-stop phoning at surfing daw, puede din computer to computer call at kung nakaupo ka na at nakaheadset pa, pakiramdam autonomiya ka miski pa nagdadabog si Irog at hindi makita yung bagong bileng kape na nakatago pa pala sa bag ng nagsusurfing niyang asawa.

Sa mga nakikita kong pagbabago, marami sa ating ang may ganitong nararanasan:

  • Maagang Magising
Kaunting mumog at hilamos lang at nakapangtulog pa, diretso ka na sa "naghihibernate" na laptop. Gusto mong makita kung sino ang naka-online na mga chatmates. Pero kung si
Ms. U-Buy na pamangkin ang unang naka-online, gusto mong biglang pindutin "not in my
desk." Pero masarap siyang kausap, updated ka sa lahat ng chismis sa kamag-anakan, sa mga buhay artista at inis kay Gloria kaya pagsinabi niya, "Tita you buy me naman please yun kuwan"...bago mo namalayan, nakapayag ka pala. Dyan medyo namahal ang chatting, may biglang pangakong balikbayan box ka at nalalaman mo lahat ang mga birthdays, weddings, sira sa bahay at iba pang SS o sad stories.

  • Maagang Matulog Din
Depende kung sino at taga saan ang malimit mong ka-chat. Kung taga Pilipinas yung kausap mo, siyempre miski pa yun pinakaaddict na sa chatting, pagdating ng alas-nueve ng gabi sa
Europa, eh dapat may tulog naman sila bago uli gumising ng maaga para huwag abutan ng
traffic sa daan. Sabi naman ng pamangking eskolar na lumuluwas araw- araw mula sa probinsiya, napupuyat din siya sa paggising ng maaga pero matraffic pa din. Kung puede ba daw na ihanap siya ng apartment sa Manila para hindi siya maagang gumigising? Ikaw
naman taga Europa, napupuyat sa kagigising sa madaling araw, katakataka bang ang siesta
moĆ½ umaabot hanggang ala-na ng umaga? At hindi pa nating nababangit yun mga chatmates na taga Amerika.

Ooops hanggang sa susunod at may nagbabazz...

Tita Bee

1 comment:

sudhiira said...

makiki whisper rin ako ....

hello lang sa lahat!